by the Local Communications Group-Gen.Trias
If we want to know if a city is business-friendly, we can just look at the number of investors in it.
Ang mga mamumuhunan ng isang bayan ang nagsisilbing testimonya kung ito ay isa ngang magandang lugar para paglagyan ng negosyo. Ang tiwalang ibinibigay ng mga korporasyon at malalaking pagawaan sa isang lokalidad ay nakakatulong para sa pag-unlad ng bayan at ng mga mamamayan nito sa pamamagitan ng pagbubukas ng mga trabaho at pagbabayad nila ng lokal na buwis.
Kaya naman nitong December 9, 2016, muling kinilala ng Pamahalaang Lungsod ng General Trias ang Top Ten Corporate Taxpayers ng lungsod sa isang simpleng seremonyang ginanap sa Bayleaf Hotel, Brgy. Manggahan, sa pangunguna ng ating Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito Sison at mga Konsehal. Nagbigay din ng kanyang mensahe si Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer.
Para sa Real Property Tax, ang mga sumusunod ay hinirang na Top 10 Corporate Taxpayers:
- Purefoods Hormel Corporation
- Property Company of Friends, Incorporated
- Unilever Philippines, Incorporated
- SMC Yamamura Fuso Molds Corporation
- Can Asia, Incorporated
- Magnolia, Incorporated
- Telford SVC Philippines, Incorporated
- Steniel Cavite Packaging Corporation
- Analog Devices General Trias, Incorporated
- JRP Realty Holdings, Incorporated
Ang mga sumusunod naman ang Top 10 Corporate Taxpayers para sa Business Tax:
- Analog Devices General Trias, Incorporated
- American Power Conversion Corporation
- Purefoods Hormel Corporation
- Property Company of Friends
- JAE Philippines, Incorporated
- House Technology Industries
- Maxim Philippines Operating Corporation
- EHS Lens Philippines, Incorporated
- Unilever Philippines, Incorporated
- Antel Holdings (General Trias), Incorporated
Ang mga awardees ay tumanggap ng plaques of appreciation at special tokens mula sa Pamahalaang Bayan.
Photo by: Dennis Abrina