
by the Local Communications Group-Gen. Trias
Ika-4 ng Pebrero 2022 — Sa pangunguna ni Department of Trade and Industry (DTI) Cavite Provincial Director, Ms. Revelyn Cortez, ay naghatid ang DTI ng mga livelihood kits para sa dalawampung (20) micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa apat na barangay sa Lungsod ng General Trias. Ang mga beneficiaries ay tumanggap ng mga iba’t ibang primary commodities and supplies na pangbenta na makakatulong para lalo pa nilang mapaunlad ang kanilang pagnenegosyo.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng Livelihood Seeding Program – Negosyo Serbisyo sa Barangay ng DTI na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na maging mas produktibo sa pamamagitan ng pagnenegosyo at mas maitaas pa ang lokal na ekonomiya. Dumalo sa turnover sina Konsehal Jonas Labuguen bilang kinatawan ni Congressman Jon-Jon Ferrer, Konsehal Kristine Perdito bilang kinatawan ni Mayor Ony Ferrer, Punong Barangay Francisca Alcantara ng Pasong Kawayan II, Punong Barangay Ricky Deseo ng Tapia at Punong Barangay Joel Prudente ng Pinagtipunan.