2nd CALABARZON DTS Congress Ginanap sa General Trias

2nd CALABARZON DTS Congress Ginanap sa General Trias

by the Local Communications Group-Gen.Trias

October 20, 2014 (General Trias, Cavite) – Napili ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) – Region IV-Aanglalawigan ng Cavite bilang host ng 2nd CALABARZON Dual Training System (DTS) Congress. Ito’yginanap noong October 17, 2014 sa General Trias Cultural and Convention Center, General Trias, Cavite. Dinaluhan ito ng mga  Technical and Vocational Institutions (TVIs), mga pribadong kompanya at mga opisyal ng TESDA mula sa iba’t-ibang panig ng rehiyon.

Sa nasabing pagtitipon, binigyang diin ang halaga ng DTS sa pagtugon sa unemployment at job mismatch sa ating bansa. Sa ilalim kasi ng nasabing programa, nagtutulungan ang mga TVIs at mga pribadong kompanya sa pagbibigay ng technical and skills training sa mga indibidwal na nagnanais kumuha ng 2-year vocational courses. Ang mga estudyante ay sumasailalim sa 40% training ng mga TVIs at 60% na practical training samga partner companies. Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng job skills ang mga nagsasanay gamit ang mga makabagong kagamitan ng mga kompanya. Natututo rin sila ng mga good work habits na kinakailangan nila kapag na-empleyo. Ang isa pang magandang benepisyo ng DTS ay ang sweldong tinatangap ng mga trainees mula sa mga partner companies.

At upang hikayatin ang mga training institutions at mga pribadong kompanya na mag-implement ng DTS, tinalakay din sa congress ang mga tax incentives na binibigay ng gobyerno para lalong lumaganap ang proyektong ito at mas marami itong matulungang mga kababayan nating nangangailangan ng kabuhayan.

Dumalo sa okasyong ito bilang mga panauhing pandangal sina Regional Director Luisita S. Dela Cruz ng TESDA Calabarzon, Provincial Director Leticia Ogbac ng TESDA Cavite, mga Regional Directors ng Batangas, Laguna, Rizal at Quezon, NCST President Mr. Emerson Atanacio at si Municipal Administrator Hernando M. Granados na siyang kinatawan nila Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV at Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer na parehong masugid na taga-suporta ng TESDA.

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy