2nd General Trias Youth Leaders Summit, Matagumpay na Naidaos

2nd General Trias Youth Leaders Summit, Matagumpay na Naidaos

by Local Communications Group-Gen. Trias

Mahigit sa inasahang isang libong (1000) kabataan ang nagsidalo sa ginanap na Youth Leaders Summit noong ika-10 ng Mayo sa General Trias Cultural and Convention Center. Bagama’t  ito ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan Federation ng Gen. Trias katulong ang JCI General Trias – Katipunan, naging bukas ito sa lahat ng mga kabataan mula sa mga bayan na bumubuo sa Ika-anim na Distrito ng Cavite.  Bukod sa layuning nitong pagyamanin ang mga kakayahan ng kabataan ay naging instrumento din ito upang isulong ang mas matibay na pagkakaisa at pagtutulungan ng mga kabataan ng mga bayan ng Amadeo, General Trias, Tanza at Trece Martires.

 Ang Summit ay dinaluhan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng General Trias sa pamumuno ni Hon. Luis “Jon-Jon” Ferrer IV at mga konsehal ng Bayan.

Tampok sa Youth Leaders Summit ngayong taon ang apat na seminar/workshops patungkol sa mga napapanahong isyu na kinakaharap ng ating mga kabataan.  Tinalakay ng mga resource persons ang mahahalagang papel ng kabataan sa lipunan sa aspeto ng Volunteerism (Ms. Maria Teresa Pacis), Social Entrepreneurship (Paulo Victor Aquino) , Social Media Awareness (Michael Sy-Lim) at Youth Empowerment (Mikael Daez).

Ang katatapos pa lamang na proyektong ito ay magsisilbing panimula para sa mga parating pang programa para sa lalong pagpapatatag ng sektor ng mga Kabataan, isang adhikaing mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng patuloy at masigasig na pagtutulungan, hindi lamang ng mga lider ng ating pamahalaan kundi pati na rin ng bawat mamamayan.

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy