by the Local Communications Group-Gen. Trias
Sa unang buwan ng bagong taon ay muling naghatid ng bagong oportunindad panghanap-buhay ang Pamahalaang Lokal, sa pamumuno n gating Punong Bayan Antonio “Ony” A. Ferrer, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO). Ang pakikipag-ugnayan ni General Trias PESO sa Jedegal International Manpower Service, Incorporated ay nagbunga ng pagbubukas ng 400 bakanteng posisyon para sa mga factory worker patungong Taiwan.
Bunsod nito, nagsagawa ng Special Recruitment Activity (SRA) ang PESO noong January 21, 2014, Martes, na dinaluhan ng 374 aplikante. 179 kalalakihan at 195 kababaihan ang nagparehistro na agad sumailalim sa Pre-Employment Orientation Seminar, screening at interview kung saan may kabuuang 210 na aplikante ang hired on the spot.