by the Local Communications Group-Gen. Trias
Malaking kaginhawaan ang naihatid ng isinagawang Mobile Passporting Service sa may 451 na passport applicants. Sa halip na magbyahe, mamasahe, at gumastos para sa isang maghapon patungong Parañaque para mag-apply ng passport, ang DFA-Office of Consular Affairs ang lumapit sa General Trias sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Bayan.
Naging kabahagi din ng naturang aktibidad ang Lyceum of the Philippines University (LPU Cavite) kung saan ginawa ang application at processing noong ika-5 ng Disyembre 2015. Ang mga approved passports na ay nakuha ng mga aplikante sa city hall lobby noong ika-16 ng Enero 2016.
Ang Mobile Passport Service ay isang taunang proyekto ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Vice Mayor Morit Sison at Sangguniang Panlungsod Members. Layon nitong ilapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan.