
by the Local Communications Group-Gen. Trias
Ika-27 ng Mayo 2021 — 500 sets ng laptop computers ang nai-turnover sa DepEd Schools Division of General Trias City sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer bilang bahagi ng pinaigting na suporta ng Pamahalaang Panlungsod sa mga programang pang-edukasyon. Ang mga ito ay ipamamahagi ng Schools Division Office sa lahat ng tatlumpu’t anim (36) na pampublikong paaralan sa lungsod. Malugod na tinaggap at pinasalamatan ng mga guro at kawani ng SDO na pinamumunuan ni Dr. Doris DJ. Estalilla ang tulong na ito na lubos nilang magagamit para sa paghahatid ng online learning sa kanilang mga mag-aaral.