54th Gawad Parangal

54th Gawad Parangal

by Local Communications Group- Gen. Trias

Kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa (Labor Day) noong ika-1 ng Mayo, muling kinilala ang mga natatanging anak ng Bayan ng General Trias sa ika-54 Gawad Parangal. May 670 mga kabataan ang binigyan ng pagkilala para sa kanilang ipinamalas na husay at talino kabilang ang 360 mag-aaral sa elementarya, 185 mag-aaral sa sekondarya, 19 nagsipagtapos ng kolehiyo at 43 mga bagong propesyunal sa iba’t ibang larangan.

Sa kanyang pagbati, muling hinikayat ni Mayor Jon-Jon Ferrer ang mga kabataan na lalo pang magsumikap sa kanilang pag-aaral at ipagpatuloy ang pagbibigay karangalan sa ating mahal na bayan. Ayon sa kanya, hindi dapat maging hadlang ang kahirapan upang makamit ang tagumpay sapagkat ang suporta ay laging nariyan mula sa mga lingkod-bayang gaya niya na naniniwala sa kakayahan ng mga kabataan.

Samantala, nagbigay inspirasyon naman sa mga honorees ang kwento ng pagsusumikap na ibinahagi ng panauhing pandangal na si Dr. Jonathan Luseco, Medical Officer V ng ating Municipal Health Office. Nagsimula siya bilang isang nurse, nagtrabaho sa ibang bansa at ipinagpatuloy ang pag-aaral ng medisina sa sariling pagsusumikap. Bilin niya, pahalagahang mabuti ang ating mga pangarap at gawin natin ang lahat upang makamtan ito.

Puno naman ng pasasalamat ang kinatawan ng mga honorees na si Bb. Marjorie Joyce Aguas na nagtapos nang Summa Cum Laude mula sa FEU dahil bukod sa pagkilalang natanggap, siya rin ay isang academic scholar na nabigyang tulong ng ating pamahalaang lokal. Nagbahagi din siya ng tatlong mahahalagang bagay na naging epektibong panuntunan niya upang makatapos nang may karangalan – kasipagan, tiyaga at gabay ng Maykapal.

Tunay ngang isa nang tradisyon sa bayan ng General Trias ang Gawad Parangal. Sa pamamagitan nito, hindi lamang pagkilala ang naibibigay sa ating mga mahuhusay na kabataan, nagiging instrumento din ito upang patuloy nating pagyamanin ang kaalaman at pagsusumikap patungo sa pag-abot ng mga pangarap.

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy