
by the Local Communications Group-Gentri
Upang aksyunan ang suliraning ito, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ang Aggressive Community Testing (ACT) nitong ika-10 ng Nobyembre 2020. Sa pagtutulungan ng City Health Office (CHO) ng at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), nakapagsagawa ng ACT gamit ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) na mas kilala sa tawag na swab test.
Malaki ang nagagawa ng ACT sa patuloy na pagtukoy ng mga active cases upang agad silang mabigyan ng karampatang attensyong medikal at maihiwalay upang maiwasan ang pagkahawa. Ang mga sumailalim sa ACT ay ang mga close contact ng suspected at confimed cases. Maaring muling tumaas ang bilang ng mga active cases dahil natutukoy na ang mga ito sa pamamagitan ng ACT, ngunit sa kabilang banda naman ay mas magiging akma ang mga hakbang na isasagawa ng Pamahalaang Lungsod para pigilan ang pagkalat ng sakit sa pamamagitan na rin ng trend na maaring lumabas sa mga resulta ng ACT.
Sa kasalukuyan ay may mahigit 1,400 nang kabuuang bilang ng sumailalim sa RT-PCR test sa ACT program.