First row, from left: Mr. Dennis M. Villanueva-Staff, AMA Head Office, Mr. Felizardo Colambo-First Vice President, AMA Group of Companies, Mrs. Rebecca Generoso-Municipal Social Welfare & Development Officer, Ms. Joy Paragua-Manager, AMA Group of Companies and Mr. Manuel Casuyon-Sr. Manager, AMA Group of Companies. Second row, from left: Mr. Joseph Usita-Senior Assistant Vice President for Real Properties, AMA Group of Companies, Mr. Hernando Granados-Municipal Administrator, Mr. Romel Olimpo-OIC, Eco. Enterprise & Investment Promotion, Atty. Angel Enrico Mira-Chief of Staff & Corporate Legal Secretary, AMA Group of Companies and Mr. Leo Reyes-Supervisor, AMA Group of Companies. Last row, from left: Mr. Apolinario Vergara-Consultant, Office of the Mayor.
by Local Communications Group-Gen.Trias
Setyembre 20, 2012 – Buhay na buhay ang diwa ng bayanihan sa Bayan ng General Trias hindi lamang sa panahon ng kalamidad. Patunay dito ang pagpapaabot ng AMA Computer University ng suporta sa “disaster preparedness initiatives” ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng mga “relief goods” na kanilang ibinahagi sa Municipal Social Welfare & Development Office (MSWD). Sa turnover na ginawa sa munisipyo, pinahayag ni Ginoong Felizardo “Zards” Colambo – First Vice President, AMA Group of Companies ang kanilang pagnanais na aktibong maki-bahagi sa mga programang pang-komunidad sa General Trias. Kasama rin ni Ginoong Colambo ang iba pang opisyal ng nasabing unibersidad.
Malugod namang tinanggap ni Ginoong Hernando M. Granados – Municipal Administrator na kinatawan ni Mayor Luis A. Ferrer IV ang mga relief goods mula sa AMA. Kasama rin ni Ginoong Granados sina Gng. Rebecca Generoso, Head – MSWD at Ginoong Romel D. Olimpo, Executive Assistant – Office of the Mayor. Ayon kay Ginoong Granados, malaking tulong ang ibinahagi ng AMA lalo na’t panahon ng bagyo kung saan may ilang barangay ang posibleng maapektuhan ng pagbaha dulot ng masamang panahon. Ito rin daw ay nagpapakita ng magandang relasyon at pagtutulungan ng pribadong sektor at ng pamahalaan.