April 30 – Ipinakilala sa kawani ng lokal na pamahalaan ng Gen. Trias ang bagong talagang Chief of Police na si C/Insp. Romulo Cabalo Dimaya Jr. sa ginanap na flag raising ceremonies.
Binigyan ng isang mainit na pagtanggap si C/Insp. Dimaya Jr. na humalili kay P/Supt.Gregorio Evangelista Jr., ang dating Hepe ng Gen. Trias Municipal Police Station na naglingkod sa loob ng 6 na taon. Ang bagong pinuno ng pulisya ay tubong Pangasinan subalit kasalukuyang naninirahan sa Trece Martirez City. Siya ay naglingkod bilang Public Information Officer sa Cavite Police Provincial Office at Chief ng Mobile Patrol Group.Nagtapos siya ng kursong Political Science sa University of the East,Manila at nagsilbi bilang isang matuwid, matapat, at mahusay na alagad ng batas sa loob ng 7 taon dito sa Cavite.
Ayon sa kanya,isang karangalan ang makapaglingkod sa isang progresibong bayan tulad ng Gen. Trias. Bilang kinatawan ni Mayor Luis “Jon-Jon Ferrer,IV,ipinaabot ni Board Member Maurito Sison at mga Sangguniang Bayan Members ang kanilang pagbati sa bagong hepe ng pulisya.