by Local Communications Group-Gen.Trias
Hunyo 20, 2012 – Pinasinayaan ni Mayor Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Cong. Antonio “Ony” A. Ferrer at Mrs. Felicidad Sy ng SM Foundation ang newly-renovated na General Trias Medicare Hospital sa Brgy. Pinagtipunan. Ang pagsasaayos ng nasabing ospital ay naisakatuparan sa kabutihang loob ng SM Foundation at ng SM Development Corporation (SMDC).
Sa talumpati ni Mayor Ferrer, sinabi niyang “buhay na buhay ang Public – Private Partnership sa bayan ng General Trias.” Patunay nga dito ang proyektong pinondohan ng SM Foundation na naglalayong itaas ang antas ng serbisyong medikal na ibinibigay ng nasabing pampublikong ospital. Ayon pa sa kinatawan ng SM Foundation, kanilang sisiguraduhing patuloy na magiging maayos at maganda ang pasilidad na ito.
Dumalo rin sa nasabing pagpapasinaya sina Board Member Maurito “Morit” Sison at iba pang miyembro ng Sangguniang Bayan, mga punong barangay, mga opisyal at kinatawan ng SM Foundation at SMDC at ang pamunuan at mga empleyado ng General Trias Medicare Hospital.
Malaking tulong sa mga mamamayan ng General Trias lalo na sa mga “indigents” ang pagkakaroon ng maayos na ospital na siyang tutugon sa kanilang pangangailangang medikal.
Ang proyektong ito ay isa pa lamang sa marami pang programang ipatutupad sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Lokal na Pamahalaan at ng SM Foundation.