by the Local Communications Group-Gen.Trias
~Lyssa Limbo-Rodriguez~
Ika-22 ng Agosto, Lunes – Bukod sa kinagawiang flag raising ceremony, masayang sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ang linggo sa pamamagitan ng pag turn-over ng mga bagong patrol vehicles sa General Trias Component City Police Station (CCPS). Isa sa mga priority ng Pamahalaang Lungsod ang pagpapanatili ng peace and order kung kaya’t kasunod ng paglagda ng Manifesto of Support, dalawang Toyota Hilux pick-up trucks, tatlong Vios at isang Avanza ibinigay sa GenTri Police ng Pamahalaang Lungsod sa pangunguna nina Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” Ferrer ng ika-6 na Distrito.
Sa lungsod na may tatlumpu’t tatlong (33) barangay, apatnapu’t limang (45) residential subdivisions, limang (5) malalaking industrial parks, at nakakasakop sa ilang major roads ng lalawigan, napakahalaga na may sapat na kagamitan para sa mobility ang kapulisan. Makakatulong nang malaki ang mga sasakyang ito upang matiyak na ang bawat sulok ng lungsod ay regular na nababantayan ng mga awtoridad.
Lubos na pasasalamat naman ang ipinahayag ng ating GenTri CCPS sa pamumuno ni OIC P/Supt. Sandro Jay DC Tafalla. Sa pamamagitan ng mga ito, magkakaroon ng better community presence and visibility ang ating mga kawaning pulis at mas mahusay pa nilang magagampanan ang kanilang tungkuling “To serve and protect.”
Isa ring bagong Toyota Hilux ang tinanggap ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) na malaki ang kapakinabangan lalo na sa pag-responde sa mga emergency situations ngayong panahon ng tag-ulan at pagbaha.
Photo by: Dennis Abrina