by the Local Communications Group-Gen.Trias
December 12, 2016 – Pormal na kinilala sa Monday Flag Raising Ceremony ang bagong sagisag ng Lungsod ng General Trias. Kasunod ng watawat ng Pilipinas, itinaas at iwinagayway ang bagong sagisag bilang pagpapasinaya dito bilang Official Seal of the City of General Trias.
Kung ikukumpara sa lumang sagisag, ang mga sumusunod ang mga bagong element, na itinuturing na distinguishing features ng Lungsod at ang kanilang mga kahulugan:
General Mariano Closas Trias – ang unang Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas kung kanino isinunod ang pangalan ng Bayang ito;
Buildings in the background – sumisimbolo sa kahandaan ng General Trias sa industriyalisasyon at patuloy na pag-unlad patungo sa pagiging isang First Class Component City ng bansa;
General Trias City Hall – tahanan ng Lokal na Pamahalaan kung saan maasahan ang maayos at dekalidad na serbisyo para sa mga mamamayan;
St. Francis of Assisi Parish Church – ang unang simbahang katoliko sa lungsod kung saan isinunod ang dating pangalan nitong “San Francisco De Malabon,” at isa sa mga pinakamatandang simabahan sa lalawigan;
1748 – Taon ng pagkakatatag bilang Bayan ng San Francisco De Malabon
145 – posisyon ng Lungsod bilang ika-145 na siyudad sa Pilipinas
MMXV – Roman numerals for 2015 – Taon ng pagkakatatag ng Bayan bilang Lungsod
33 Stars – sumasagisag sa 33 barangay na bumubuo sa Lungsod
Sa bagong sagisag ay nandoon pa rin ang palay, labong (bamboo shoots) kung saan hango ang “Malabon”, ang coat of arms na dala ang kulay ng watawat ng Pilipinas, at ang Casa Hacienda De Tejeros na itinuturing na isa sa mga pinakamahalagang lugar sa kasaysayan ng bansa kung saan naitatag ang Pamahalaang Rebolusyunaryo noong 1897.
Sa pagpapatibay ng City Ordinance 16-15, ang new official seal na ang gagamitin para sa mga official documents, stationeries, poster, at iba pang mga katulad na gamit at material ng Pamahalaang Lungsod.
Photo by: Dennis Abrina