Bagong SPED Building binuksan sa Manggahan Elementary School

Bagong SPED Building binuksan sa Manggahan Elementary School

 

by the Local Communications Group-Gen.Trias

March 3, 2015 (General Trias, Cavite) – Pinangunahan ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang pagpapasinaya sa bagong tayong Special Education (SPED) building ng Manggahan Elementary School nitong February 27, 2015. Naisakatuparan ang pagpapatayo ng nasabing school building dahil sa kagandahang-loob ng Lions International District 354-D ng Korea, sa pamumuno ng District Governor nito na si Mr. Oh Jung-Jin na dumalo rin sa ribbon-cutting kasama ang delegasyon mula sa kanilang bansa.

Buong galak namang sinalubong ng pamunuan ng Manggahan Elementary School ang mga panauhin mula sa Korea sa pamamagitan ng mga sayaw at awiting espesyal na hinanda ng mga guro at mga piling SPED students na nagpakitang hindi hadlang ang kanilang siwastyon sa pagpapamalas ng kanilang talento. Sa mensahe nila Dr. Helen B. Mendoza – Punong Guro, Dr. Edna A. Bayot – District Supervisor (General Trias I) at Dr. Daisy Z. Miranda – Assistant Schools Division Superintendent ng Department of Education, pinasalamatan nila ang magandang regalong ito mula sa Lions International. Ayon pa sa kanila, malaking tulong ang bagong gusali upang magkaron ng conducive learning environment ang 95 SPED students ng paaralan. Pinuri rin nila ang suportang patuloy na binibigay ng lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ferrer.

Nagpasalamat naman si Lions International District Governor Oh sa mainit na pagtanggap sa kanilang delegasyon. Namahagi rin si Mr. Oh at ang mga officers ng Lions International ng mga school supplies, damit at tsinelas sa mga SPED students. Dalawang mapapalad na mag-aaral naman ang nabiyayaan ng prosthetics arms and legs mula rin sa nasabing oragisasyon.

Lubos naman ang pasasalamat ni Mayor Ferrer sa Lions International dahil sa malasakit na ipinakita nito sa mga Gentriseño. Aniya, ang proyektong ito ng Lions ay nagpapatunay sa masigla at matatag na ugnayan ng Pilipinas at bansang Korea. “This project puts international cooperation on a higher level”, wika pa ng alkalde. Nangako rin si Mayor Ferrer na patuloy nitong susuportahan ang mga pangangailangan ng SPED Class ng Manggahan Elementary School na natatanging public SPED school ng General Trias.

Kasama rin na dumalo sa mahalagang okasyong ito sina Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga Sangguniang Bayan Members, at ang Pamahalaang Barangay ng Manggahan sa pangunguna ni Punong Barangay Ramil Barrientos.

 Photo by: Grace Solis

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy