General Trias-Convention Center. Noong ika-31 Agosto, 2011, ginanap ang Barangay Livelihood and Enterprises Development Forum na isang programa ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprises Development Office (PCLEDO) sa ilalim ni acting chairman Rene Tongson.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan ng bawat barangay na makapagsimula ng isang small-scale business para sa kanilang kabuhayan.
Sa pamumuno ni Cavite Governor Jonvic Remulla, kaagapay ang PCLEDO at pakikiisa ng ating 6th District Cong. Antonio “Ony” Ferrer,Gen. Trias Mayor Luis A. Ferrer, IV,Board Member Maurito Sison at mga Sangguniang Bayan Members ay naibahagi ng forum na ito sa mga barangay officials ng Amadeo, Tanza ,Trece Martires City, Gen. Trias ang kaalaman sa pagsisimula ng maliit na negosyong pangkabuhayan.