
by the Local Communications Group-Gen. Trias
Ang kalusugan ay isa mga pinangangalagaan ngayong panahon ng pandemiya. Katuwang ng City Health Office sa pagbibigay ng serbisyong medical ang mga kawani Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) upang higit na matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng mga mamayayan.
Bilang pagkilala at pagbibigay insentibo sa kanilang patuloy naserbisyo sa mga mamamayang Gentriseño, sila ay pinagkalooban ng cash incentive. Mahigit na 200 na miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) na non-elected at non-regular employee ang tumanggap ng Php 4,000 sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Cong. Jon-Jon Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members.
Ang mga kawani ng BHERT ang nag-momonitor ng mga COVID-19 patients, suspected cases, at probable case sa bawat barangay na malaki ang naitutulong upang maagapan ang pagkalat ng virsus at pagdami ng taong naaapektuhan nito.