by Local Communications Group – Gen. Trias
Sa paglalayong patuloy na makapaghatid ng de-kalidad na serbisyo muling binuksan ng Pamahalaang Bayan ng Gen. Trias sa pangunguna ni Mayor Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV ang taunang Business One Stop Shop o BOSS. Sa pamamagitan nito, mas mabilis, mas matipid at mas “convenient” na sa mga negosyante sa Gen. Trias ang makakuha at makapag-renew ng Business Permit.
Nagsama-sama ang mga kinatawan ng DTI, BIR, MENRO, RHU, BFP, MTO at BPLO sa unang palapag ng munisipyo upang mapadali ang pagpo-proseso ng mga dokumento na kinakailangan upang makapagsimula o maipagpatuloy ang operasyon ng mga negosyo. Dahil sa sistemeng ito, ang permit o lisensiyang dati ay inaabot ng ilang araw bago makuha ay naipoproseso at nairerelease sa loob ng isang araw lamang.
Batay sa datos ng taong ito,may 336 na bagong negosyo ang nagbukas at 2,677 naman ang nagrenew. Ang 3,013 na establishments na nabanggit ay lubhang nakakatulong para mapanatili at lalong mapalago ang ekonomiya ng Gen. Trias,kung kaya’t mahalagang maipagpatuloy ang BOSS sa epektibong operasyon nito sa mga susunod na taon.