by the Local Communications Group-Gen.Trias
January 26, 2015 (General Trias, Cavite) – Ang pagkakaroon ng isang maayos na pangangatawan at kalusugan ng bawat Gentriseño ang isang pangunahing tinututukan ng pansin ng lokal na pamahalaan ng General Trias. Nasa frontline ng kampanyang pangkalusugang ito ang mga Barangay Health Workers (BHW) at Barangay Nutrition Scholars (BNS), na araw-araw sumusuong sa hamon upang magbigay ng serbisyong medikal at nurtisiyon sa kani-kanilang barangay. Kaya naman napakahalaga na mabigyan ang mga health workers ng sapat na kaalaman at kagamitan upang maganpanan nila ng maayos ang kanilang tungkulin sa kanilang mga kababayan.
At nito ngang nakaraang January 23, 2015, pinangunahan ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer ang pamamahagi ng blood pressure apparatus sa mahigit 200 BHW, at weighing scale sa mahigit 40 BNS sa ginanap na 1st Quarter General Assemby ng General Trias Health Group sa Barangay Pinagtipunan. Sa kanyang mensahe, pinasalamatan at kinilala ni Mayor Ferrer ang mga health workers sa kanilang dedikasyong tugunan ang pangangailangang medikal ng mga Gentriseño. Dagdag pa niya, isa lamang ito sa marami pang programang kanyang ipapatupad sa sektor ng kalusugan.
Dumalo rin at nagbigay ng mensahe ng pagsuporta sina Cong. Luis “Jon-Jon” Ferrer IV, Coun. Kerby J. Salazar- Chairman, Committee on Health and Sanitation, at Coun. Jonas Glynn P. Labuguen.
Noong nakaraang December 11, 2014, kinilala ng Provincial Health Office ang bayan ng General Trias dahil sa magandang performance nito sa iba’t-ibang inisyatibong pangkalusugan.
Photo by: Carlo Sarinas