
Nakagawian na ng iba’t ibang sektor ng pamayanang GenTri ang magbayanihan bago magsimula ang pasukan sa mga paaralan sa pamamagitan ng Brigada Eskwela. Ngayong taon, sa ilalim ng temang Matatag na Bayan Para sa Maunlad na Paaralan, pinangunahang muli ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang pagpapakita ng buong suporta para sa Brigada Eskwela na ginanap mula ika-20 hanggang ika-25 ng Mayo.
Kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panglungsod at kawani, nag-ikot si Mayor Ony sa iba’t ibang paaralan upang maghatid ng mga donasyon kagaya ng pintura at iba pang kagamitang kinakailangan para sa Brigada.