Cityhood ng General Trias, Dininig na sa Committee Level ng Senado

Cityhood ng General Trias, Dininig na sa Committee Level ng Senado

by the Local Communications Group-Gen.Trias

February 16, 2015 (Pasay, City) – Matapos maipasa ng mababang kapulungan ng kongreso ang House Bill No. 4769 “An Act Converting the Municipality of General Trias in the Province of Cavite into a Component City to be known as the City of General Trias”, dininig naman ng Committee on Local Government na pinamumunuan ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos II ang nasabing panukalang batas na isinulong ni Cavite 6th District Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, sa committee hearing na ginanap noong February 11 sa senado, kung saan dumalo ang mga lokal na opisyal ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, kasama si Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga Sangguniang Bayan Members at  ilang piling department heads at division chiefs.

Ipinahayag ni Mayor Ferrer sa komite na lubos na makikinabang ang mga Gentriseño kung maging ganap na lungsod ang General Trias. Ang karagdagang pondong madaragdag sa proposed city ay magagamit umano sa lalong pagpapabuti ng serbisyo ng lokal na pamahalaan at pagpapatayo ng mga bagong infrastructure projects. Anya, napapanahon narin ito dahil sa patuloy na pag-lago ng komersyo na nagdudulot ng kaunlaran sa nasabing bayan.

Personal ding dumalo at nagpahayag ng kanyang buong suporta sa cityhood si Cavite Governor Jonvic Remulla. Ayon sa gobernador, hindi siya tumututol sa nasabing panukala at lubos niya itong sinusuportahan dahil makakabuti ito sa mamamayan. Naroon din ang mga kilalang mambabatas ng Cavite na sina Congressman Alex L. Advincula ng 3rd District, Congressman Francis Gerald A. Abaya ng 1st District at si 6th District Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV na nagpahayag ng kanyang pasasalamat sa senado dahil sa pagbibigay ng oportunidad upang dingin ang kanyang panukala.

Inimbitahan naman ng komite ang mga kinatawan ng National Statistical Authority, Bureau of Local Government Finance, Land Management Bureau, at League of Cities upang hingin ang kanilang opinyon sa isinusulong na batas. Ayon sa kanila, hindi sila tumututol sa pagiging lungsod ng General Trias at qualified naman ito base sa minimum requirements na itinatakda ng batas.

Sa kasalukuyan ay inaantabayan ang 2nd reading ng cityhood bill ng General Trias sa sesyon ng senado. Kung saan pag-uusapan ng mga senador sa plenaryo ang pagsasabatas sa panukalang ito.

 


instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy