
by the Local Communications Group-Gentri
Nagsisilbi ring frontliners ang ating mga Barangay Nutrition Scholars (BNS) at Barangay Population Officers (BPO), lalo pa ngayong panahon ng pandemya kung kalian napakahalaga ng serbisyong pang-nutrisyon at ng tamang datos mula sa ating mga komunidad. Kaya nitong ika-23 ng Nobyembre ay sumailalim ang ilang BNS at BPO ng ating lungsod sa Rapid Diagnostic Testing sa pamamagitan ng mga rapid test kits na mula sa Metrobank Foundation at Project Ark. Para mas mapalakas pa ang kanilang resistensya para sa kanilang muling pagsabak sa trabaho, binigyan din sila ng vitamins mula sa Pamahalaang Lungsod at Lola Remedies food supplement mula sa Kino Consumer Philippines.