
by the Local Communications Group-Gentri
Hindi biro ang adjustments na kinailangang gawin ng sektor ng edukasyon dahil sa pandemya upang magpatuloy ang pag-aaral ng ating mga kabataan. Gayun din naman, ang ating mga estudyante ay ibayong pagsusumikap din para malampasan ang mga karagdagang hamon sa kanilang mga leksyon. Upang masuportahan sila, patikular ang 1,000 mga mag-aaral sa kolehiyo ng Cavite State University (CvSU) General Trias Campus, naglaan ang Pamahalaang Lungsod ng pondo upang maabutan sila ng educational assistance sa halagang Php 3000 bawat estudyante.
Ang pamamahagi ay ginanap noong ika-22 ng Nobyembre 2020 sa Gen. Trias Memorial Elem. School, kung saan mahigpit na ipinatupad ang mga safety protocols kagaya ng temperature check at physical distancing. Ang programa ay pinangunahan ni 6th District Representative Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” Sison, at mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod.