by the Local Communications Group-Gen.Trias
Kaisa ng buong bansa sa pagdiriwang ng Elderly Week, isinagawa ng Pamahalaang Lungsod nitong nakaraang October 17 ang isang espesyal na programa para sa mga nakakatanda natin sa General Trias. Ito ay ginanap sa General Trias Cultural/Convention Center sa pangunguna ng mga tanggapan ng Punong Bayan, City Social Welfare and Development (CSWDO) na pinamumunuan ni Ms. Rebecca C. Generoso at Senior Citizens Affairs (OSCA)na pinamumunuan naman ng Federation President na si Ms. Purisima O. Arcega. Naroon para magbigay pugay sa mga nakakatatanda sina Mayor Ony Ferrer, Congressman Jon-Jon Ferrer, Vice Mayor Morit Sison, at mga konsehal ng Sangguniang Lungsod.
Bakas ang tuwa habang aktibong nakikilahok sa progamang may temang “Pagmamahal at Respeto ng Nakababata, Nagpapaligaya sa Nakatatanda”ang tinatayang may 1020 senior citizens mula sa 51 barangay ng Lungsod. Sa kanyang mensahe, ipinahayag ng ni Mayor Ony Ferrer ang kanyang mataas na pagkilala at respeto sa ating mga seniors na inilaan ang panahon at kalakasan para sa pagtataguyod ng kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay. Personal na nakihalubilo at nag-abot ng kanilang handog sa mga lolo at lolaang mga lingkod bayan.
Mula sa idinaos na programa, kitang kitang buo ang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga nakatatanda hindi lamang sa proteksyon ng kanilang mga karapatan at pribilehiyo kundi maging sa kinakailangan nilang pag-alalay sa aspeto ng kalusugan at kabuuan nilang kapakanan.
Photo by: Dennis Abrina