by the Local Communications Group-Gen. Trias ~Lyssa Limbo-Rodriguez
Mayo 9, 2016 – Muling ipinamalas ng mga GenTriseño ang kanilang pagkakaisa nitong nakaraang halalan para sa Pambansa at Lokal na mga opisyal. Batay sa official City Certificates of Canvass (CCOCs) na inilabas ng Commission on Elections (ComElec) noong ika-10 ng Mayo na nakalap mula sa 196 clustered precincts ay naideklara ang pagkapanalo ng buong Team GenTri na nakakuha ng mayoryang boto ng mga mamamayan.
Maituturing na landslide victory ang nakamtang tagumpay nina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Vice Mayor Maurito “Morit” Sison dahil sa laki ng inilamang nila sa mga kapwa kandidato sa kani-kanilang posisyon. Ang sampung konsehal naman ng Team GenTri ay pasok din lahat sa Top 10 ranking sa pangunguna ni Konsehal Kerby Salazar. Masasabing ang naging resulta ng bilangan ay isang testimonya ng buong tiwala ng mga mamamayan sa kakayahan at katapatan sa paglilingkod ng mga kasapi ng Team GenTri.
Samantala, taos pusong pasasalamat naman sa mga GenTriseño ang nais ipahatid ng buong lapian para sa suportang kanilang ipinakita para sa partido, gayundin para sa natapos na mapayapa at malinis na halalan. Ang kanilang pagboto ay maaring nangangahulugan din ng pagtangkilik ng mga mamamayan para sa pagsulong ng mga makabuluhang prinsipyong itinataguyod ng National Unity Party (NUP) kabilang na ang pananampalataya sa Panginoon, pangangalaga sa kalikasan, pagkakapantay-pantay at kapangyarihan at kalayaan ng bansa. Inaasahang sa mga susunod na araw ay muling maipagpapatuloy ang mga programa at proyektong pangkaunlaran na nauna nang nailatag ng ating mga bagong halal na opisyal para sa ating One and Only GenTri.
Photo by: Dennis Abrina