By Local Communications Group
Oktubre 4, 2012 – Muling ipinagdiwang ang taunang pistang bayan ng Gen. Trias bilang parangal kay San Francisco de Asis, ang patron ng bayan, na may temang “Indak ni San Francisco sa taon ng Ginintuang Hubilehiyo, Larawan ng Bayang Binibuklod ng Pangarap na Inaabot.”
Bahagi ng pagdiriwang na ito ang taunang tradisyon ng “Pabialahay”(Pabinyag ng mga Alagang Hayop) pati na ang iba’t ibang palatuntunan at patimpalak tulad ng Hip Hop Dance Competition at Acrobatic Show. Hindi rin mawawala ang karakol na nilahukan ng mga empleyado at residente ng bayan. Nagkaroon din ng baratillo sa harapan ng himpilan ng pulisya na nakadagdag sa saya ng pagdiriwang. Ngunit ang pinakatampok sa lahat ay ang “Grand Pasayo” na kung saan 12 marching bands na nagmula pa sa iba’t-ibang bayan sa Cavite ang lumahok sa isang patimpalak na punung-puno ng musika at kasiyahan.
Ang taunang fiesta ay hindi lamang nagpapakita ng makulay na kultura ng ating bayan.Ito ay isa ring pagkakataon upang ipamalas ng mga Gentriseño ang kanilang pagkakaisa at pagtutulungan.
Ang matagumpay na pagdiriwang na ito ay naisakatuparan sa pagtutulungan nina Cong. Antonio “Ony” Ferrer, Mayor Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Sangguniang Bayan Members,Tourism Office at Saint Francis of Assisi Parish Pastoral Council.