Gen. Trias( 5 Agosto) –Isang Flu and Cervical Awareness Seminar ang ginanap sa Audio Visual Room ng gusali ng pamahalaang bayan. Ito ay dinaluhan ng mga doctor,nars, municipal at barangay health workers ng Gen. Trias.
Tinalakay nina Dr. Anna Ong-Lim, M.D. at Dr. Ma. Socorro C. Bernardino,M.D.,mga espesyalista, ang iba’t-ibang hakbang na maaaring gawin upang makaiwas sa pagkakaroon ng flu at cervical cancer.
Ang programang ito ay proyekto nina 6th District Congressman Antonio “Ony” A. Ferrer, Mayor Luis A. Ferrer IV at ng Sangguniang Bayan sa pakikipagtulungan nina Dr. Abe Escario ( Municipal Health Officer), Ms. Rebecca Generoso (Municipal Social Welfare and Development) katuwang ang Glaxo Smith Kline.
Ang nasabing seminar ay sinaksihan nina Board Member Maurito Sison, Kon. Lamberto Carampot, Kon. Christopher Custodio, Kon. Richard Parin, Kon. Mario Amante at Kon. Kerby Salazar – Chair Committee on Health and Sanitation na siyang nangasiwa sa nasabing programa.