by Local Communications Group-Gen. Trias
Dito po sa Bayan ng General Trias, laging top priority ang kalusugan ng mga mamamayan. Naniniwala ang ating Pamahalaang Bayan na ang malulusog at produktibong mga mamamayan ang magiging matatag na pundasyon ng patuloy na pag-unlad ng ating bayan. Kung kaya’t sa pamamagitan ng sipag at maayos na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga ahensya ng gobyerno, matagumpay na nakakahingi ng tulong ang ating pamahalaang bayan, sa pangunguna ni Hon. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, para sa karagdagang mga serbisyo para sa mga GenTriseño.
Nito lamang ika-26 ng Marso ay tinanggap ni Mayor Jon-Jon at Konsehal Kerby Salazar ang Php 660,000-worth ng mga pangunahing gamot mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamamagitan ni Director Maria Aleta Tolentino. Ang mga nasabing gamot ay ipinamahagi sa tatlumpu’t tatlong (33) barangay na mataas ang pangangailangang pangkalusugan (Php 20,000-worth of medicines per barangay).
Ipinaabot nina Mayor Jon-Jon at Konsehal Kerby ang pasasalamat mula sa buong bayan ng General Trias para sa tulong donasyon ng PCSO nang may pag-asang magpapatuloy ang suporta ng PCSO sa mga susunod pang mga proyektong pangkalusugan sa ating bayan.