
Galing Gentri, Gâling Gentri – Ito ang itinatanghal sa nakagawian ding taunang pagkilala sa husay ng mga kabataang Gentriseño, ang Gawad Parangal. Sa ika-60 taon nito ngayong 2019, may kabuuang 628 na kabataan ang binigyang karangalan sa naturang programa na ginanap noong ika-25 ng Abril 2019. Ang pagbibigay ng medalya at plake ay pinangunahan ng ating Kinatawan sa Kongreso, Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV at Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, kasama ang mga bumubuo sa Sangguniang Panglungsod.
Nagbahagi ng kanyang mensahe siGng. Exelsa C. Tongson,Ph.D, Faculty Member ng Department of Family Life and Child Development, University of the Philippines, Diliman,Quezon,City ang Panauhing Pandangal ngayong taon. Ibinahagi niya ang kanyang mga naging karanasan upang magsilbing inspirasyon sa mga kabataan na magpatuloy sa kanilang pagsusumikap sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Gayundin sa kanilang mga mensahe, abot-abot ang pasasalamat ng magkapatid na lingkod-bayan, Congressman Jon-Jon at Mayor Ony, sa mga pinarangalan na nagiging inspirasyon din sa mga kapwa nila kabataan. Ayon sa kanila, ang karangalang nakakamit nila sa akademya at sa kani-kanilang mga larangan ay simula pa lamang ng mas marami pang tagumpay. Bilang tugon sa pagkilalang natatanggap, nagsilbi namang kinatawan ng mga honorees si Bb. Maria Regina C. Tongson,Magna Cum Laude, Bachelor of Arts in Psychology-University of the Philiipines, na nagpahayag ng kaniyang pasasalamat para sa suportang patuloy na ibinibigay ng pamahalaang lokal sa paglinang ng kakayahan at husay ng kabataang Gentriseño.