
by the Local Communications Group-Gen.Trias
Ika-25 ng Setyembre 2019 – Isa na namang parangal ang iginawad sa Lunsgod ng General Trias na malugod na tinaggap ng ating punong lungsod, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer. Ang pagkilala ay mula sa The Manila Times, isa sa mga pangunahing broadsheets at print media company sa bansa. Nakamit ng General Trias ang First Runner-Up ng titulong Philippine Model City, sumunod sa Bacolod na siyang nagkamit ng top award. Base sa criteria ng Philippine Model City award, ang mga hinirang na nagwagi ay maituturing na best livable urban centerssa Pilipinas kung saan ang mga residente ay nabibigyan ng maayos na mga serbisyo tulad ng edukasyon, pangkabuhayan, seguridad, disaster preparedness, kalusugan, turismo at iba pa.
Bukod sa pagiging first runner-up sa Philippine Model City ay iginawad din sa General Trias ang Livelihood and Employment Awardpara sa mga epektibong inisyatibo ng Pamahalaang Panlungsod sa mga pangkabuhayang programa at paghahatid ng trabaho sa mga mamamayan. Ang mga naisagawang job fairs, recruitment activities at livelihood programs at ang dami ng mga indibidwal na matagumpay na nabigyang trabaho at pagkakakitaan ang naging konkretong basehan ng award na ito na nagpapanalo sa General Trias sa tatlumpu’t pitong iba pang mga lungsod.
Sa ilalim ng temang “Building Better Landscapes for the Next Generation,” layunin ng The Manila Times sa pagsasagawa nila ng recognition program na ito na magbigay inspirasyon sa mga local government units (LGUs) sa buong bansa na patuloy na pagyamanin at pagbutihin pa ang iba’t ibang mga programang mag-aangat sa kalidad ng buhay ng mga Pilipino. Ang awarding ceremonies ay ginanap sa New World Manila Bay Hotel sa Malate, Manila, kung saan kasamang tumanggap ni Mayor Ony ng pagkilala sina Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga konsehal ng Sangguniang Panlungsod, at iba pang mga opisyal.