by the Local Communications Group-Gen.Trias
February 23, 2015 (General Trias, Cavite) – Kinilala ng Department of Social Welfare and Development, Field Office IV-A (CALABARZON) ang lokal na pamahalaan ng General Trias bilang Model Municipal LGU Supporting Day Care Service, sa seremonyang ginanap nitong February 17, sa Alabang, Muntinlupa City, kasabay ng selebrasyon ng ika-64 taong anibersaryo ng nasabing ahensiya. Tinanggap ni Mayor Antonio “Ony” Ferrer ang citation mula kay DSWD Regional Director Leticia T. Diokno. Kasama ng alkalde sina Konsehal Kerby J. Salazar, MSWD Head Rebecca Generoso, Chief of Staff Melanie Balanag at ilang kawani ng MSWD.
Bukod sa dekalidad na serbisyong ibinibigay ng mga daycare workers, malaking puntos sa nasabing award ang pagkakaroon ng permanent plantilla positions ng 56 out of 61 daycare workers ng General Trias. Ipinapakita lamang nito kung gaano pinahahalagahan at sinusuportahan ni Mayor Ony Ferrer ang 33 daycare centers nito, gayundin ang mga programa ng DSWD.
At sa isang hiwalay na seremonyang ginanap nitong February 23, sa liwasang bayan, kinilala ng alkalde sina social workers Aurea Hernandez at Elizabeth Villamar dahil sa pagkakagawad sa kanila ng DSWD ng accreditation to handle court related cases. Kasama ring kinilala ang 57 daycare workers na tumanggap ng satisfactory, very satisfactory at outstanding accreditation level mula rin sa DSWD. Sinaksihan ito ng nila Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga Sangguniang Bayan Members, mga Punong Barangay at mga kawani ng lokal na pamahalaan na nagpakita ng kanilang pag-hanga sa dedikasyon sa tungkulin ng mga kapwa nila lingkod bayan.
Nakatakda namang simulan sa taong ito ang pagpapatayo ng mga bagong daycare centers sa ialang malalaking komunidad ng General Trias, na isa sa mga prayoridad ng administrasyon ni Mayor Ony Ferrer.
Photo by: Grace Solis