General Trias LGU Nakiisa sa Metrowide Shake Drill

General Trias LGU Nakiisa sa Metrowide Shake Drill

by the Local Communications Group-Gen.Trias

July 31, 2015 (General Trias, Cavite) – Ngayong buwan ng Hulyo ay ipinagdiriwang ang National Disaster Consciousness Month, kung saan binibigyang halaga ang kahandaan ng pamahalaan at mamayaan sa sakuna tulad ng bagyo at lindol. Kaugnay nito, at bilang paghahanda sa tinatawag na “the big one” o ang pag-galaw ng West Valley Fault na inaasahang magdulot ng pinsala sa mga ari-arian at panganib sa buhay ng mga maaapektuhan nito, nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng General Trias nitong Huwebes, July 30, ng isang earthquake drill at simulation ng iba’t-ibang scenario na maaaring mangyari pagkatapos ang isang malakas na lindol. Buong kooperasyong nakibahagi ang mga kawani ng munisipiyo maging sina Mayor Antonio “Ony” Ferrer at Vice Mayor Maurito “Morit” Sison, na nag-drop, cover and hold maneuver habang isinasagawa ang drill.

Ipinakita naman ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office, Rural Health Unit at mga barangay emergency response volunteers ang kanilang kakayahang rumesponde sa mga biktima ng pagyanig. Samantalang ang Bureau of Fire Protection naman ay nagsagawa ng fire simulation kung saan kailangan nilang apulahin ang sunog sa munisipiyo na dulot ng lindol. Kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Philippine National Police, Municipal Social Welfare and Development Office, Municipal Engineering Office, General Services Office at Municipal Information Office, pinangunahan ni Mayor Ferrer ang Incident Command Center kung saan naka-monitor siya sa ginagawang pagresponde sa iba’t-ibang disaster scenarios.

Ayon kay Mayor Ferrer, bagama’t hindi kasama ang bayan ng General Trias sa madadaanan ng West Valley Fault, mas mainam na maging handa upang ma-meet ang zero casualty policy ng gobyerno. Mahalaga din aniya ang mga drills upang mabigyan ng kaalaman at kasanayan ang publiko sa mga dapat nilang dawing kapag may sakuna. Dagdag pa ng alkalde, patuloy ang sinasagawang drills sa mga pampubliko at pribadong paraalan, gayundin ang capability training ng mga rescuers ng lokal na pamahalaan at pagbili ng mga emergency response equipment.

Photo by: Grace Solis

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy