
by the Local Communications Group-Gen. Trias
November 5, 2020 – Sa patuloy na pakikilaban ng bansa sa pandemya ng COVID-19, nananatili ang pangangailangan para sa mga personal protective equipment (PPE). Kabilang dito ay ang faceshields na araw-araw ginagamit ng lahat para maiwasan ang droplets na maaring magdala ng virus. Kaya naman malaking tulong ang 14,000 faceshields na donasyon ng tanggapan ni Senator Win Gatchalian para sa mga GenTriseño. Ang mga ito ay ipinamahagi sa iba’t ibang sektor at kasalukuyang napapakinabangan ng mamamayan. Bukod sa pagsusuot ng PPEs, pinakamabisa pa ring paraan para umiwas sa pagkahawa ang limitahan ang face-to-face interactions sa ibang mga tao, at laging panatilihin ang physical distancing.