by the Local Communications Group-Gen.Trias
July 28, 2015 (General Trias, Cavite) – Muling naghatid ng karangalan ang mga manlalarong kabataang Gentriseño na lumahok sa nakaraang Batang Pinoy 2015 ng Philippine Sports Commission, na ginanap sa Malolos, Bulacan. Nakamit ng volleyball boys team ang 2nd Place (Luzon leg), na nagbigay sa kanila ng pagkakataong lumaban sa national finals na gagawin sa Cebu sa darating na November. Sila’y kinabibilangan nila Allen Angelo Caucdan, Deon Xander Colorado, Eryn Maui de Lima, Neil Paulo Diaz, Sean Michael Escallar, John Carlo Flores, Vincent Gatdula, Juztine Garcia, Jerome Manuel, Yoj Ylrev Pabiton at Valeriano Sasis II. Pinangunahan ang kanilang koponan nila Head Coach Reynaldo Colima, Assistant Coaches Dexter Clamor at Katherine Rezare, at Trainer na si Cromwell Garcia.
Nakakuha naman ng bronze medal ang archer na si Cerleandro Antonio Lujero sa ginanap na finals sa tulong ng kanyang mga Coach na sila Zander Lee Reyes at Alejandro Lujero. Hindi rin papahuli ang judo team sa pagkamit ng medalya. Nag-uwi ng gold si Angelo Nicolo Saria, silver naman sila Kryzia Angelica Gutang at Lovelyn Delfin, at nakakuha ng bronze medal ang judoka na si Felice Barbuco. Ang judo team ay pinangunahan ng kanilang mga coach na sina Resil Rosalejos at Karen Ann Solomon.
Samantala, napanalunan ng basketball team ng General Trias ang kampeyonato sa Juniors at Seniors Category ng 3rd MV Santiago Invitational Basketball Tournament na ginanap nitong buwan sa Trece Martirez City. Ang Junior under 18 team ay pinangunahan ng kanilang Head Coach na si Jayvee Villena at Assistant Coach Miko Delos Santos, samantalang ang Senior Division naman ay suportado ng kanilang mga coach na sina Tamil Dela Cruz at Jayvee Villena at coaching staff na si Rey Porto. Tumayo naman bilang mga team manager ng dalawang koponan sina Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer IV, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison.
Bilang pagkilala sa mga kabataang atleta, binigyan sila ng parangal nila Mayor Ferrer, Vice Mayor Sison at mga Sangguniang Bayan Members sa flag raising ceremony na ginanap nitong Lunes, July 27, sa liwasang bayan. Sinaksihan ito ng mga kawani ng munisipiyo at mga punong barangay na nagpakita ng kanilang paghanga sa mga natatanging Gentriseñong manlalaro.
Photo by: Grace Solis