by the Local Communications Group-Gen.Trias
Ang kahandaan sa panahon ng pangangailangan, sakuna at emergency ay isang mahalagang aspetong dapat pinananatili ng isang lokalidad habang ito ay patuloy na umuunlad. Para dito kinakailangan ng sapat na kagamitang pang-transportasyon at at pang-seguridad na lubos ding kapakipakinabang sa araw-araw na kalakaran sa lungsod.
Ang Pamahalaang Panlalawigan ay buo ang suporta para ang bawat bayan sa Cavite ay magkaroon ng sapat na kakayahan para maging handa sa pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan. Kaya’t nitong nakaraang Setyembre 18,2017, kasunod ng kinagawiang flag raising ceremony sa city hall, ay nagkaroon ng ceremonial turnover ng dalawang bagong ambulansya at limampung closed circuit television (CCTV) cameras sa Lungsod ng General Trias, na personal na dinaluhan ni GovernorBoying Remulla. Malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ang mga donasyon, sa pamamagitan ni Mayor Ony Ferrer na lubos na nagpasalamat sa gobernador.
Ang dalawang ambulansya ay iistasyon sa Brgy. Tejero at Brgy. Santiago, samantalang ang mga CCTV cameras naman ay inaasahang ilalagay sa public schools at subdivisions na lubos na makakatulong sa pagpapanatili ng seguridad at crime prevention sa lugar. Dumalo rin sa nasabing turn over sina dating Gobernador Jonvic Remulla,Cong. Jon-Jon Ferrer, Board Member Jango Grepo,Vice Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Panlungsod Members.