by the Local Communications Group-Gen. Trias
General Trias, Cavite (Marso 12, 2014) – Ipinamalas ni Queenie May Samarita, 12 taong gulang at mag-aaral ng General Trias Memorial Elementary School,ang kanyang talas ng isip at angking galing sa larong chess sa nakaraang Southern Talagog CALABARZON Athletic Association (STCAA) na ginanap noong Pebrero 10-14, 2014 sa Lungsod ng Tanauan, Batangas kung saan hinirang siyang Board I Champion. Dahil dito’y binigyan ng pagkilala ng Lokal na Pamahalaan ng General Trias sa pangunguna ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito C. Sison ang mga Kagawad ng Sangguniang Bayan ang nasabing batang atleta noong Lunes sa flag raising ceremony.
Nakatakdang kumatawan si Samarita sa darating na Palarong Pambansa na gaganapin sa Sta. Cruz, Laguna sa Mayo ng taong ito. Siya rin ang kauna-unahang chess player mula sa bayan ng General Trias na makakapaglaro sa nasabing torneyo.