
by the Local Communications Group-Gen. Trias
Mahigit 800 guro na nagtatrabaho sa iba’t ibang pribadong paaralan ay pinagkalooban ng financial assistance ng Pamahalaang Panlungsod ng Gen. Trias. Ang mga tumanggap ay mga gurong bonafide residents ng lungsod na nagtuturo sa mga pribadong paaralan sa loob at labas ng Gen. Trias City, gayundin ang mga gurong hindi naninirahan sa lungsod subalit nagtuturo sa mga pribadong paaralan sa loob ng Gen. Trias City. Bawat isa sa kanila ay tumanggap ng Php 4,000 bilang tulong pinansyal.
Ito ay bahagi parin ng suportang ibinibigay ng Pamahalaang Lungsod sa sektor ng edukasyon na isa sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya. Sa pammamagitan nito, naipapadama sa kanila na sila ay mahalagang bahagi ng komunidad upang maitaguyod ang pagkatuto ng mga batang Gentriseño.
Bukod sa financial assistance, tumanggap din ang mga guro ng grocery pack mula Maxim Integrated at Lola Remedios food supplement mula sa Kino Consumer Philippines, Inc.