by Local Communications Group
Oktubre 12, 2012 – Ginunita sa Bayan ng General Trias ang ika-144 anibersaryo ng kapanganakan ni Gen. Mariano Closas Trias, bayani ng rebolusyon at kauna-unahang Bise Presidente ng Republika ng Pilipinas. Sa isang simpleng seremonya ay nag-alay ng bulaklak ang mga kawani ng lokal na pamahalaan kasama ang mga punong barangay at kapulisan sa bantayog ni Gen. Trias bilang pagkikala sa kanyang kontribusyon sa pagkamit natin ng kasarinlan mula sa pananakop ng mga dayuhan. At upang patuloy na mabigyang kabuluhan at mapanatili sa ala-ala ng bawat Gentriseno maging sa mga susunod na saling-lahi ang kabayanihan at magandang halimbawa ni Gen. Trias, hiniling ni Mayor Luis A. Ferrer IV sa Sangguniang Bayan sa pamamagitan ng Committee on Education, Culture and Sports na pinamumunuan ni Board Member Maurito C. Sison ang pagpapasa ng resolusyong naghihikayat sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan sa Bayan ng General Trias na magkaroon ng taunang paggunita sa kaarawan ng nasabing bayani sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanilang mga estudyante tungkol sa buhay at kabayanihan ni Gen. Mariano Trias.
Ang Bayan ng General Trias ay dating tinatawag na San Francisco de Malabon, at noong 1920 sa bisa ng Legislative Act. No. 2889 ay ipinangalan ito sa bayaning si Gen. Mariano C. Trias bilang pagpupugay sa kanyang ala-ala.