Ika-266th Foundation Day at 4th Valenciana Festival, Mas Nagpasigla ng Kapaskuhan sa General Trias

Ika-266th Foundation Day at 4th Valenciana Festival, Mas Nagpasigla ng Kapaskuhan sa General Trias

 

by the Local Communications Group-Gen.Trias

December 16, 2014 (General Trias, Cavite)- Sari-saring aktibidad ang naghatid ng saya at lalong nagpasigla ng pagdiriwang nga Kapaskuhan sa Bayan ng General Trias noong nakaraang buwan. Tulad ng nakagawian, inalalang muli ang Anibersaryo ng pagkakatatag ng Bayan kasabay ang Valenciana Festival na isa sa mga ipinagmamalaking putahe ng mga Gentriseño.

Bilang pasimula, nagkaroon ng Giant Parol Making Contest noong ika-11 ng Disyembre sa town plaza na nilahukan ng 30 Chapters ng Nagkakaisang Kababaihan ng Gen. Trias na gumamit ng iba’t ibang recyclable materials. Tinanghal na panalo ang parol na yari sa balat ng tahong mula sa mga Kabatak ng Barangay Tejero (3rd Place), parol na yari sa mga disposable spoons na mula sa mga Kakabaihan ng Kalinga of San Juan I (2nd Place), at ang parol na yari sa balat ng itlog na obra ng mga Women on Work (WOW) ng Barangay PasCam I (1st Place).

Tinagurian namang A Special Day for Special People ang ika-12 ng Disyembre, kung kailan ipinagdiwang ni Congressman Jon-Jon Ferrer ang kanyang kaarawan sa General Trias Cultural and Convention Center, kasama ang ilang children with special needs. Bukod sa paglalaan ng panahon upang maka-bonding ang mga bata sa isang salu-salo, nagbahagi din si Cong. Jon-Jon Ferrer, gayundin si Mayor Ony Ferrer ng mga munting handog para sa kanila.

Ginanap din ang ika-apat na Valenciana Festival kung saan itinampok ang iba’t ibang version ng Valenciana ng ating mga kababayan. Nagpaligsahan ang mga barangay sa pagluluto ng espesyal na arroz valenciana at itinanghal na pinakamasarap at malinamnam ang recipe ng mga taga Barangay Vibora (1st Place), Barangay San Juan II (2nd Place) at Barangay Sta. Clara (3rd place). Personal na pinasinayaan ni Mayor Ony Ferrer, ng kanyang may-bahay na si Mrs. Anne Ferrer, Vice Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Bayan Members ang nasabing culinary exhibition na ginanap sa town plaza.

Hindi kumpleto ang pagdiriwang kung walang indakan sa lansangan. Pahusayan naman sa street dancing ang partisipasyon ng iba’t ibang eskwelahan kung saan nagpakitang-gilas ang mga mag-aaral sa kanilang pagparada sa poblacion. Hinirang na Best in Parade ang Santiago National High School, samantalang itinanghal namang Champion sa husay ang Centennial Academy of the Blessed Trinity. Nagwagi ding 1st Placer ang Fiat Lux Academe at 2nd Placer naman ang Samuel Christian College. Sinundan ang kompetisyon ng nakakamanghang fireworks display na inihanda ng lokal na pamahalaan kung saan sama-samang nag-enjoy sa panonood ang mga nakiisa at nakilahok sa selebrasyon.

Bilang pagtatapos sa week-long celebration, nag-aalay ng mga bulaklak sa bantayog ni General Mariano Closas Trias noong December 13, 2014, araw ng pagkakatatag ng bayan, ang mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer, Vice Mayor Morit Sison at mga Sangguniang Bayan Members. Nagbigay pugay din sa bayani at unang bise-presidente ng ating bansa ang Liga ng mga Punong Barangay at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

A feast for the senses, ‘ika nga. Ang makulay, masarap, nakakaindak at makabuluhang pagdiriwang na ito sa huling buwan ng taon ay siguradong naghatid ng saya at inspirasyon para sa ating mga kababayan at mas nagpasaya ng Kapaskuhan at pagsalubong sa panibagong taon.

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy