by the Local Communications Group-Gen.Trias
August 15, 2015 (General Trias,Cavite) – Ginanap ang ika-apat na Youth Leaders’ Summit sa Auditorium ng Lyceum of the Philippines University –Cavite nitong August 20,2015 na dinaluhan ng mahigit 700 na Youth Leaders mula sa iba’t ibang Youth Organization and School Councils ng mga pribado at pampublikong paaralan, pamantasan at unibersidad sa buong lalawigan ng Cavite.
Binuksan ang pagdiriwang ng mga makubuluhang mensahe mula kina Atty. Roberto Laurel, Vice Mayor Maurito “Morit C. Sison, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, punong-bayan Gen. Trias, at Cong. Luis “Jon-Jon” A. Ferrer ng 6th District ng Cavite.
Sinundan ito ng talakayan ng mga kilalang personalidad na nagsilbing inspirasyon sa mga kabataang dumalo. Kabilang sa mga tinalakay ang Tsinelas Leadership ni Cong. Leni Robredo ng 3rd District ng Camarines Sur, Women in Nation Building ni Cong. Rachel “Baby” Arenas ng 3rd District, Province of Pangasian, How to Become an Effective Team Player ni Ms. Marielle Benitez, Team Caption ng Philippine Women’s National Football Team, Citizen Journalism ni Mr. Howie Severino, Anchor ng News to Go, GMA Network, at The Youth and our Role in Nation Building ni Mr. Derrick Monasterio ng National Youth Commission.
Dumalo din sa summit sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali mula sa GMA Artist Center para sa launching ng Biguels Book Club.
Ang General Trias Youth Summit ay taunang ginanap upang tipunin ang youth leaders sa probinsya ng Cavite at bigyan sila ng inspirasyon upang maging mahusay na lider sa hinaharap.