by the Local Communications Group-Gen.Trias
September 12, 2015 (General Trias,Cavite) – Muling ipinagdiwang ng bayan ng Hen. Trias ang Retired Teacher’s Day na ginanap sa Gusali ng Pamahalaang Bayan. Ito ay alinsunod sa naipasang Municipal Ordianance 14-03 na nagtatalaga ng isang espesyal na araw para kilalanin ang kontribusyon ng mga retiradong guro sa pamayanan.
Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng 73 mga retiradong guro na nagturo sa elementarya at hayskul mula sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa munisipalidad. Sama-sama silang dumalo sa misa bilang panimula at malugod na binati ni Hon. Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer. Sa kanyang mensahe, sinabi niya na wala mang yumaman sa pagtuturo, nagkaroon naman sila ng maraming pagkakataong magtanim ng karunungan na ginagamit ngayon ng mga dati nilang mag-aaral.
Bahagi ng ginanap na programa ang Oath Taking ng mga Officers ng Retired Teacher’s Association. Nagkaroon din ng salu-salo sa pananghalian ang mga guro na tumaggap ng iba’t ibang papremyo mula sa ginawang raffle draw.
Dumalo din sa pagdiriwang si Cong. Luis “Jon-jon” A. Ferrer ng ika-6 na distrito ng Cavite at ilang opisyal ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice-Mayor Maurito “ Morit” C. Sison.