by the Local Communications Group-Gen.Trias
Kilala ang Lungsod ng General Trias bilang isa sa mga emerging commercial areas sa lalawigan ng Cavite kung saan kitang kita ang pagsibol ng iba’t ibang establisyimento na lalong nagpapayabong sa ekonomiya at pagnenegosyo. Dahil ito sa maigting na implementasyon ng pamahalaang lokal ng mga inisyatibong nagsusulong ng ease of doing business, kabilang na ang Business One-Stop Shop at streamlined processes kaugnay nito. Ang mga negsoyo at mga mamumuhunan ay itinuturing ng Pamahalaang Lungsod bilang isa sa mga key partners for development, kaya naman nitong nakaraang buwan ng Marso 2019, muling ipinagdiwang ng General Trias ang Investors’ Month, kung saan nagdaos ng ilang makabuluhang aktibidad upang lalong mapaunlad ang pagnenegosyo at lalong mapatibay ang LGU-Investors partnership.
Noong ika-18 ng Marso, katuwang ang Department of Trade and Industry sa pamamagitan ng kanilang programang Small and Medium Enterprises (SME) Roving Academy, ay nagsagawa ng libreng Basic Bookkeeping and Effective Management Skills Seminar na dinaluhan ng may 86 entrepreneurs ng Lungsod. Ito ay ginanap sa Audio-Visual Room ng City Hall at pinangunahan ni Ms. Mary Katherine F. Lesanque, Accredited Competency Assessor for BOOKKEEPING NCIII. Dahil mahalaga ding maibahagi sa mga nagsidalo ang kaalaman at kamalayan tungkol sa responsableng pagnenegosyo na hindi nakakasira ng kalikasan, matapos ang seminar ay nagkaroon din ng Orientation on Environmental Protection and Manila Bay Rehabilitation na pinangunahan naman ni Engr. EnP Sherwin B.Valeroso ng CENRO.
Maraming mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa Lungsod ng General Trias ang patuloy na lumalaki at tinatangkilik sa lalawigan. Dahil sa kanila, mas nakikilala din ang GenTri bilang home of quality indigenous products na kayang makipagsabayan sa mga commercial products na kasalukuyang nasa pamilihan. Itinampok ang ilan sa mga ito sa isang 3-day Trade Fair sa City Hall lobby na binuksan noong ika-19 ng Marso, kasama ang mga panauhing sina Mr. Toby Ferrer at Mr. Noly D. Guevara, Provincial Director ng DTI Cavite. Kabilang sa mga lumahok sa nasabing aktibidad ang GenTri Dairy Raisers Multi-Purpose Cooperative, Eden’s Pastillas, 3C Natural Food Marketing, Inc., Green Zymo Enterprise, Noraben Food Manufacturing, Largs Trading, Kabute ni Susan, Melgabal’s, at iba pa.
Hindi rin mawawala ang nakagawiang pagkilala o ang taunang Recognition and Awarding of Top 20 Corporate Taxpayers ng Lungsod na ginanap noong ika-27 ng Marso sa Bayleaf Cavite Hotel. Nagbigay ng kanilang mga mensahe sina Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer at Congressman Luis “Jon-Jon” A. Ferrer. Pinakamalaki ngayong taon sa pagbabayad ng Business Tax ang Analog Devices General Trias, Incorporated, samantalang sa Real Property Tax naman ay nanguna ang ang Property Company of Friends, Incorporated. Ang kumpletong listahan ng mga kinilalang top corporate taxpayers ay ang mga sumusunod:
TOP 20 CORPORATE TAXPAYERS
(BUSINESS TAX)
COMPANIES
1 Analog Devices Gen. Trias, Inc.
2 House Technologies Industries
3 American Power Conversion Corp.
4 Property Company Of Friends, Inc.
5 The Purefoods Hormel Corp.
6 JAE Philippines, Inc.
7 Unilever Philippines, Inc.
8 Maxim Philippines Operating Corp.
9 Antel Holdings (Gen. Trias) Inc.
10 HRD Singapore Pte., Ltd.
11 Analog Devices Phils., Inc.
12 Enomoto Phils., Mfg. Corp.
13 San Technology Inc.
14 Cithomes Builders & Dev’t., Inc.
15 Magnolia Inc.
16 Cypress Mfg. Ltd. Inc.
17 Lyceum of the Philippines University, Inc.-Cavite Campus
18 Iriso Electronics Phils., Inc.
19 Shimadzu Phils., Mfg. Inc
20 Phils. Advanced Processing Tech., Inc.
TOP 20 CORPORATE TAXPAYERS
(REAL PROPERTY TAX)
COMPANIES
1 Property Company Of Friends, Inc.
2 Unilever Philippines, Inc.
3 The Purefoods Hormel Corp.
4 Can Asia Inc.
5 Banco De Oro-Epci, Inc.
6 Monterey Farms Corporation
7 Sta. Lucia Realty & Dev’t. Corp.
8 Majestic Technical Skills Dev’t. & Landscape Corp.
9 San Miguel Yamamura Fuso Mold Corp.
10 GBPLEN Corporation
11 Erly Packaging Corporation
12 Magnolia Inc.
13 Coca-Cola Beverages Phils.
14 Empire East Landholdings, Inc.
15 Greenkraft Corporation
16 Telford Property Management
17 8990 Luzon Housing Dev’t., Corp.
18 Gateway Property Holdings, Inc.
19 Antel Development Corp.
20 Omni Composite Packaging Corp.