by the Local Communications Group-Gen. Trias
27 January 2017 – Sa pagkakaisa ng mga ahensya ng Department of Labor and Employment (DOLE), Asian Development Bank (ADB), Canadian Government, Public Employment Service Office (PESO) at Pamahalaang Lungsod at ng General Trias, ginanap sa Robinson’s Place General Trias ang Graduation Day para sa mga Life Skills Trainees sa ilalim ng Job Start Philippines Program.
Ang Job Start Philippines ay sinimulan sa General Trias noong 2014 nang mapili ito bilang isa sa mga pilot LGU implementers ng programa dahil sa maayos at epektibong implementasyon ng livelihood and employment programs ng Lungsod sa pamamagitan ng GenTri PESO. Mula noon ay marami nang kabataan at jobseekers na nakinabang sa serbisyong hatid ng programang ito.
Para sa batch na ito, may 75 na kabataan ang sumailalim sa Life Skills Training (LST) na layuning mapataas ang kumpiyansa at madagdadagan ang kapasidad ng mga jobseekers sa paghahanap ng trabaho. Kasama rin sa mga natutunan ng mga trainees sa LST ang mga praktikal na kakayahang mapapakinabangan nila hindi lamang sa pagkuha ng disente at maasahang hanap-buhay kundi sa mismong mga karera na kanilang haharapin.
Ang graduation ceremony ay dinaluhan ni City Administrator Winifred Jarin na kinatawan ng ating Punong Bayan, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer, Vice Mayor Maurito “Morit” C. Sison, mga kasapi ng Sangguniang Panglungsod, at ang Public Employment Services Office na pinamumunuan ni PESO Manager, Ariel M. Mugol.
Dumalo rin ang mga kasamahan natin sa proyekto mula sa Department of Labor of Employment (DOLE) sa pamumuno ni Assistant Secretary Alex V. Avila, na nagsilbing guest speaker sa programa, IV-A Regional Director Zenaida Angara-Campita, Ruth Rodriguez ng Bureau of Local Employment, at Cavite Provicial Director Engr. Ignacio S. Sanqui, Jr.
Bukod sa kani-kanilang mga certificates of completion, ang mga graduates na nahahati sa tatlong grupo ay tumanggap din ng mga special awards tulad ng Most Improved Jobseeker, Leadership Award, Model JobStarter, Perfect Attendance and Punctuality Award. Sa dagdag na competencies, disiplina at kaalaman, inaasahang ang mga nagsipagtapos sa Life Skills Training ay magiging mas handa na sa pagharap sa hamon ng kani-kanilang mga pinaplanong career at propesyon.
Photo by: Dennis Abrina