Abril 16, 2012 – Muling naghandog ng libreng salamin sa mata ang Jollibee Foods Corporation at si Dra. Menchie Abesamis ng Abesamis Optical Clinic sa mga mag-aaral ng mga pampublikong elementarya ng bayan ng General Trias. Animnaput-dalawa ang tumanggap ng reading glasses samantalang dalawa naman ang nabiyayaan ng espesyal na contact lenses dahil sa kanilang sensitibong kondisyon sa mata na sina Carol Tamio at Kent Darvin delos Santos. Ang contact lenses na nagkakahalaga ng P25,000 ay mula sa kabutihang palad nila Cong. Ony Ferrer, Mayor Jon-Jon Ferrer at ni Dra. Abesamis.
Sa isang maikling programang ginanap sa liwasang bayan, buong pusong nagpasalamat sina Carol at Kent Darvin para sa ibinigay sa kanila na bagong pagasa tungo sa isang maliwanag na kinabukasan. Sinaksihan nila Mayor Jon-Jon Ferrer, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ni Dr. Edna Bayot – District Supervisor, DepEd at ni Ms. Kelly Avedes ng Jollibee ang nasabing turnover.