Kaalamang Pangkabuhayan para sa Mas Maabilidad na GenTriseño

Kaalamang Pangkabuhayan para sa Mas Maabilidad na GenTriseño

by the Local Communications Group-Gen. Trias

Upang matustusan ng isang pamilya ang kanilang mga pangunahing pangangailangan sa pagkain, damit at tirahan, mahalagang magkaroon sila ng disenteng hanap-buhay o mapagkakakitaan.  Karamihan sa ating mga kababayan ngayon ay namamasukan bilang mga empleyado ng iba’t ibang kumapanya upang kumita ngunit hindi maikakailang dumarami na rin ang pinipiling magbukas ng kanilang mga sariling negosyo at binabansagang mga EntrePinoys.

Sari-saring oportunidad ang nabubuksan para sa mga GenTriseño sa pamamagitan ng iba’t ibang livelihood trainings na inihahandog ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office.  Noong ika-31 ng Hulyo ay muling nagkaroon ng culminating activity para sa 23 na nagsipagtapos ng kanilang pagsasanay sa Bread and Pastry Production at 30 sa Massage Therapy.  Dinaluhan ito ng mga opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Ony Ferrer at Vice Mayor Morit Sison.  Dumalo rin upang magbigay ng kanyang mensahe si Kon. Kerby Salazar.  Sa kanyang mensahe, masayang inanunsiyo ng Punong Bayan, Mayor Ony Ferrer, ang kanyang planong pagpapatayo ng mas malaki at makabagong livelihood training center para sa mga GenTriseno upang mas maraming kababayan ang maengganyo at ma-accommodate ng mga proyektong pangkabuhayan.

“Give a man a fish and you have fed him for a day; Teach him how to fish and you have fed him for a lifetime.”  Naniniwala ang ating mga lingkod bayan na sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mga bagong kaalaman sa mga GenTriseño, nagiging abot-kamay ang mas maunlad na kinabukasan.

instagram web viewer
Instagram Profile and Story Viewer
Instagram Web Viewer and Tools
Web Viewer for Instagram
Instagram Online Web Viewer and Downloader
Instagram Photos and Videos Viewer
The Best Instagram Online Viewer of 2019
Discover Instagram
The Best Instagram Web Viewer
instagram profile picture
instagram images viewer
instagram picture viewer
instagram profile viewer
instagram photo view
web viewer for instagram
instagram web view
online instagram web viewer
instagram online web viewer
private instagram profile viewer
instagram private profile view
YouTube Views Buy