by the Local Communications Group- Gen. Trias
May 177 kabataan ang nahandugan ng libreng dental services sa pamamagitan ng isang Dental Mission na isinagawa sa pagtutulungan ng Rotary Club of Cavite Export Processing Zone (CEPZ), Rotary Club of Metro Dasmariñas, Rotary International Distrcit 2820 Japan and District 3810 Philippines, at ng Pamahalaang Lokas ng General Trias. Isinagawa ang nasabing proyekto as Bacao Elementary School noong ika-17 ng Nobyembre.
Nagkaroon ng paunang selection process ang Pamahalaang Lokal upang matukoy ang mga batang dapat magingpriority sa nasabing proyekto base sa kanilang pinansyal na katayuan at pangangailangan. Samantala, pinamahalaan naman ng Rotary International ang pagiimbita ng mga volunteer dentists, pagbibigay ng mga gamot at paghahanda ng mga kagamitan. Libreng bunot ng ngipin (tooth extraction) at pasta (dental filling) ang mga serbisyong inihatid sa mga batang edad 2 hanggang 6 na taong gulang mula sa mga Barangay Bacao I at Bacao II.
Bilang pasasalamat at pagkilala sa suportang ito ng Rotary International, hinandugan ng ating Punong Bayan, Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer ang Rotary Club of Metro Dasmariñas at Rotary Club of Cavite Export Processing Zone ngCertificate of Appreciation. Ayon kay Mayor Ony, ang kanilang paghahatid ng tunay na serbisyo sa ating pamayanan, lalo na sa kabataan, ay tunay na kahanga-hanga at dapat tularan.