by Local Communications Group-Gen.Trias
Hunyo 8, 2011 — Ang taunang Kasalang Bayan ay muling ginanap sa Gen. Trias Cultural Convention Center sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaang lokal ng Gen. Trias at Municipal Civil Registrar sa pangunguna ni G. Alfredo Villalobos kaagapay ang Tanggapan ng Punongbayan.
Sa taong ito 92 pares na mga magkasintahan at nagsasama nang hindi kasal ang dumalo upang gawing legal ang kanilang pagsasama. Sa kapangyarihang ipinagkaloob ng Republika ng Pilipinas sa mga lokal na punong bayan upang magbigay-bisa sa isang kasal, pinangunahan at pinagtibay ni Kgg. Luis A. Ferrer IV ang seremonya ng kasal.
Dumalo rin sa nasabing okasyon sina Congressman Antonio”Ony” Ferrer, Board Member Maurito Sison, Sangguniang Bayan Members at mga kapitan ng barangay.
Ang programang tulad nito ay naglalayong makatulong sa mga Gentriseñong nagnanais mag-avail ng mga serbisyo ng lokal na pamahalaan tulad ng civil registry ngunit kapos sa pinansyal na pangangailangan.