Pebrero 6, 2012 — Ginawaran ng pagkilala si Dr. Carmen Abesamis Dichoso at ang Jollibee Foods Corporation sa isang maikling seremonya na ginanap sa liwasang bayan dahil sa kanilang natatanging kabutihan at pagmamalasakit sa 20 piling mag-aaral ng mga paaralang elementary sa Gen. Trias District I nang pagkalooban sila ng libreng salamin sa mata upang lalo pang mapaunlad ang kanilang dunong at talento.
Ang programang ito ay bahagi ng proyektong “Jolly Eyes,Healthy Eyes” na naglalayong makatulong sa mga kabataang may diperensiya sa mata upang ito’y hindi maging hadlang sa kanilang pagkatuto sa paaralan at maging daan upang maabot nila ang kanilang mga pangarap.