by the Local Communications Group-Gen.Trias
Agosto 8, 2014 (General Trias, Cavite) – Limampung Micro, Small and Medium Enterprises o MSMEs ang tumanggap ng libreng pagsasanay sa Financial Management noong ika-4 ng Agosto, 2014,sa Audio-Visual Room ng Pamahalaang Bayan ng General Trias, Cavite. Ang proyektong inorganisa ni Mayor Antonio “Ony” A. Ferrer sa pamamagitan ng Municipal Economic Enterprise and Investment Promotion Office (MEEIPO), sa pakikipagtulungan ng Department of Trade and Industry (DTI) – Cavite at PLDT SME Nation, Smart at Sun Business,ay naglalayong gawing mas produktibo at handa sa hamon ng globalisasyon ang ating mga negosyanteng Gentriseño.
Sa nasabing seminar, ibinahagi ni Ginoong Kherby B. Reyes, CPA, mula sa Provincial Livelihood and Entrepreneurial Development Office (PCLEDO), ang kanyang kaalaman sa pamamahala ng pinansyal na aspeto ng isang negosyo. Bukod rito, nagbahagi rin siya ng mahahalagang tips tungkol sa Marketing, Operations Management at Human Resource Development. Sa kanilang presentasyon, ipinakita naman ng PLDT SME Nation ang mga makabagong teknolohiya na magiging kapakipakinabang sa mga negosyante.
Bahagi lamang ang proyektong ito sa mga suportang teknikal na planong ibigay ng Lokal na Pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Ferrer sa mga MSMEs.