Gen.Trias,Cavite,Disyembre 12 — Upang taasan ang pampublikong kamalayan sa isyu ng pagpapahinto ng Violence Against Women( VAW), ang ““Blow on Whistle on VAW” ” ay pinasimulan ng General Trias Municipal Police Station sa pamamagitan ng simultaneous blowing of whistle at ang paglagda sa “Unite Pledge Cloth” na sumisimbolo sa ating national commitment upang wakasan ang karahasan sa kababaihan at upang suportahan ang pandaigdigang kampanya ng United Nations Secretary General na may temang “Unite to End Violence Against Women”. Ang nasabing programa ay pinangunahan ni P/Supt. Gregorio G. Evangelista-Chief of Police.at Mr. Hernando Granados-Municipal Administrator na ginanap sa liwasang bayan ng Gen. Trias pagkatapos ng flag raising ceremonies.
Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Annual 18 Day Campaign to End Violence Against Women for 2011, na nagsimula noong Nobyembre 25 at natapos noong Disyembre 12.
Ang kampanya sa taong ito ay nakatuon sa pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa mga anti-VAW laws,partikular ang iba’t –ibang serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan at non-government organizations upang matugunan ang mga pangangailangan ng VAW survivors.